October 2009
35 posts
May mga nakasakayan ako sa jeep palabas ng UP campus kanina. Nung una, akala ko mga young-looking lucky ones lang talaga sila. Yun pala totoy pala talaga sila. Eto isa sa mga narinig kong pinag-usapan nila. Halos mautot ako kapipigil ng tawa ko.
- Freshie 1: Pigeon hole... Ano ba yun? Sabi kase ni Sir kanina, sa pigeon hole ko daw ipasa yung paper ko. Pigeon hole, what the fuck?
- Freshie 2: Ano ka ba! Yun yung nasa faculty office...
- Freshie 3: Na parang cabinet...
- Freshie 2: Hindi, parang bookshelf! Pero boxes ang hati. Tapos may pangalan dun ng mga prof.
- Freshie 3: Oo, tapos dun mo lalagay yung ipapasa mo.
- Freshie 1: Ah ganun ba? Gaano ba kalaki yun?
- Freshie 2: Kasya ang pigeon.
Play